Breadcrumbs
HomeNananaginip Ng Gising
ni Chaste Verano
Taong 2000, nanaginip ako ng gising nang sabihin sa akin ng isang supplier ko sa negosyo na padadalhan niya ako at iba pa sa Sydney Olympics ng libre! Wow!!! Hindi man ako makapaniwala ay tinanggap ko ang in-offer sa akin ng kaharap ko sa isang star-filled coffee shop.
Betchabygollywow!!! Anak ng koala’t kangaroo! Sydney, here I come!
Unang beses kong nakapunta sa Land Down Under. Pagdating na pagdating namin sa napaka-gandang hotel ay kinunan kami ng litrato ng opisyal na photographer ng supplier namin at binigyan kaming lahat ng official I.D. para hindi kami mag-watak-watak at kung magkawalaan man kami, may makakakilala sa aming grupo dahil sa I.D. na aming suot.
Binigyan kami ng lahat ng kailangan (at hindi kinakailangan) naming gamit: officially-sponsored na damit, cap, bag, jacket, belt bag at mga pins. Souvenir/Commercial pins? Anong gagawin namin sa commercial pins dito sa Olympics? Sino ang magkaka-interes sa mga commercial pins na isasaksak sa mga kuwelyo? Oh well, bigay, e di tanggapin.
Mas importante kaysa sa paglipad at pagtira sa hotel sa isang bansang nag-ho-host ng Olympics, mga tickets to the Games! Binigay sa amin ang mga ticket to games na inaakala nilang magugustuhan namin. Sa lalaki, basketbol, track-and-field events, hand ball, wrestling at boxing. Sa babae naman, volleyball, swimming, tennis at boxing. Hindi basta tickets ang inabot sa amin, front row seats at that! Sa basketball court ko nasilayan ang aking katangkaran nung tumabi ako sa Center-Forward ng Italian National Team!
Super-excited ako nung unang pasok ko sa track-and-field oval na nagkakasya ng 100,000 spectators! Nanduon sa ibaba si Cathy Freeman, ang darling ng Olympics na iyon dahil sa siya’y isang katutubong aborigine ng Australia. Tatakbo siya kalaban ng mga pinakamabilis na sprinters sa mundo. Dahil wala akong ticket, hindi ko napanuod ang mala-dysebel na si Ian ”The Torpedo” Thorpe sa swimming competition.
Iba ang feeling mo pag nasa isang event ka na katulad ng Olympics. Sa harap mo, may nagsasalita ng Portugese, sa likod mo Aleman, sa kaliwa mo Arabiano at mga katabi namin sa kanan, mga Pinoy! The feeling is global, kung baga.
Kakaiba ang wrestling event. Very hip and exciting ang presentation. Pagpasok mo sa tent-type structure ay sasalubungin ka ng loud booming disco music! Tatlo ang mga wrestling rings sa competition area at tatlong mga laban/events (different weight divisions) ang sabay-sabay na iyong mapapanuod. Hindi sabay ang umpisa ng tatlong laban. Labinlimang minuto ang bawat isa kung kaya’t bawat limang minuto ay may event na nagtatapos at mag-uumpisa muli. At sa pagitan ng bawat laban, loud booming music! At para hindi malito ang mga “uninitiated,” aside from pinapakilala ng loud speaker ang mga lalaban sa bagong event ay may kaunting explanation tungkol sa game of wrestling including mga techniques at objectives ng laro para manalo ang isang manlalaro. Kung nararamdaman ninyo ang adrenaline rush while watching the PBA, subukan ninyong dumalo sa isang international/global competition na katulad nito at mararamdaman ninyo ang init ng buong katawan ninyo sa kakasigaw at kaka-cheer for the athletes. Hindi mo man sila kakilala o kababayan, hindi mo maiwasang makisawsaw sa nangyayari sa kapaligiran mo’t mag-side with certain players/teams in an event. Ika nga, you cheer for victory of the human spirit!
Ang isang Olympics ay binubuo ng isang milyon at isang logistical concerns! Hindi lamang sa iisang lugar ginaganap ang lahat ng events. Ang Main Olympic Stadium is one-hour away from Sydney proper. Ang boxing and wrestling events ay ginanap sa Sydney Harbor right in the heart of the city. Ang beach volleyball sa tanyag na Bondi Beach. At iba’t ibang mga lugar pa kung saan ginanap ang mga different events katulad ng archery at equestrian. Ang nakakamangha ay ang resourcefulness ng mga Australiano sa mga tinayo nilang istruktura para sa Olympic events. Karamihan ay temporary structures na pupuwedeng kalasin pagkatapos ng Games para hindi sayang ang kanilang mga ginastos. Napaka-organized ng Olympics sa Sydney. At tulad ng mga taga-rito, ang pag-cheer sa magandang performance ay “Oi Oi Oi!”
Mabalik tayo sa mga Commercial Pins na ibinigay sa amin nung unang araw ng aming pagdating sa Sydney. Mga anim ang ibinigay sa bawat isa sa amin. Sa aming pangalawang araw ay napunta ang ilan sa amin sa Sydney Harbor. Maaga pa lamang ay napakaraming mga mamang nakaupo sa may baybay dagat. May matanda, may bata. May matatangkad at may kasing tangkad ko (kung naging athlete representative ako ng ating bansa ay basketball sigurado ang team ko; taga-dala ako ng towel at tubig ng players). May mga puti, may mga itim at may mga galing Asya. Naka-upo lamang sila at tila naghihintay. Pag lapit mo sa kanila ay mag makikita kang mga lalagyan silang ala-suitcase at sa loob nun ay may mga naka-display na mga pins>mga Olympic pins!
Ang mga taong ito ay nakapagdalo na sa napakaraming mga OlympicGames para makipagpalit ng mga Olympic pins! Yun pala ang isang event sa bawat Olympics para sa mga hindi participating athletes. Big thing pala ang pin-trading at pin-collecting. Mga memorabilia na nanggaling sa isang global event. Paglapit mo sa isang mama at magtanong kung pupuwedeng makipagpalit ng pins ay sasabihan ka ng: “Hey boy, what do you want? I sell, trade, talk.” Ingat lang ako sa mga tinatawag na pin sharks. Ito yung mga suwabe mag-sales talk at hindi mo man napansin ay napabili ka na pala ng mahal na mga pins.
Sa interes kong makapag-collect ng Olympic pins ay nakipagpalit ako ng commercial pins ko for Olympic pins. Aba, rare yata ang pins from this Far East country called Pinas! May nagtanong nga sa akin nung nalaman na galing akong Manila: “Oh Manila? Yeah, I know that. What is the capital of Manila?!”
Ang bawat “rare” Philippine pin ko ay napalitan ko ng 2 Olympic pins (karamihan ay mayroon na sila sa collection nila ang mga pins na pinapapalit nila; kung baga, mga extra na nila yun o mga ayaw na nila). Ang mga napalitan kong Olympic pins ay napalitan ko uli ng mas marami pang pins (1 for you, 2 for me!). Before I knew it, Betchabygollywow! Napuno ko ang aking belt bag ng mga nakasabit na pins! Suot-suot ko itong belt bag ko wherever I go as if kaklase ko si Manny Pacquiao! Parang championship belt ng boxing! Sa tuwa ng mga taong nakakita sa aking belt bag ay pinamimigay nila ang kanilang mga kakaunting pins sa akin! You can imaging the smile on my face nung nadatnan ko si heavyweight champion Evander Hollyfield sa hotel na tinitirhan ko at nakita niya ang aking much-awarded and decorated-belt bag!
Kakaiba talaga ang mapunta sa isang event katulad ng Olympics! Hindi ako binugbog ni Hollyfield nung kami’y nagtagpo pero hanggang ngayon para pa rin akong nananaginip galing sa isang whopper of a knock-out kay pareng Evander! See you at the Games!
